True ba, Edgar Allan niloko ang manager dahil sa dyowa? | Bandera

True ba, Edgar Allan niloko ang manager dahil sa dyowa?

Alex Brosas |March 04,2018
facebook
share this

True ba, Edgar Allan niloko ang manager dahil sa dyowa?

Alex Brosas - March 04, 2018 - 12:20 AM

YOU and me against the world ang drama ni Edgar Allan Guzman at ng kanyang girlfriend na si Shaira Mae.

2014 pa nagsimula ang relasyon ng dalawa. Noong una, they were denying pa their relationship. Pero maraming beses silang na-sight na magkasama. Naispatan silang magkasama sa Boracay at sa panonood ng sine sa Robinsons Magnolia.

Nagalit nga ang manager ni Edgar Allan nang hindi ito sumipot sa shooting ng movie niya with Michael Pangilinan noon. ‘Yun pala, magkasama lang sila ni Shaira sa Boracay.

Pinalagan ng actor ang chikang nagli-live in na sila ni Shaira Mae. Hindi raw totoo iyon.

Last year, naghiwalay na raw ang dalawa. But that’s not true. Nag-lie low lang pala sila dahil sa matinding pressure sa kanilang relasyon. Ayaw raw kasi ng parents ni Edgar Allan kay Shaira Mae.

Two weeks ago, nagpaalam si Edgar Allan na manonood siya ng NBA basketball sa US. Pinayagan naman siya ng kanyang manager na ang pagkakaalam ay mag-isa lang siyang pupunta sa US.

Later on, na-discover ng manager ni Edgar Allan na kasama pala nito ang kanyang girlfriend sa US.

Kauuwi lang ng actor this weekend at ewan kung aaminin niyang kasama niya ang kanyang GF na nagliwaliw sa USA.

q q q

Talaga palang magdyowa pa rin ang isang sikat na aktor at sikat na aktres.

Hindi pa umaamin ang dalawa pero may mga chikang sila naman talaga. Wala kang makikitang photos na magkasama sila. Wala ring IG video na they were in one event or one party.

Wala ni isa man sa kanila ang umaamin kung anong meron sila. Kahit na special friends, hindi nila ganoon inile-label ang kanilang relasyon kaya naman pahulaan sa fans nila kung anong klaseng relasyon meron sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Basta, quiet lang ang dalawa dahil hindi pa naman talaga sila lumalantad. Happy na sila sa ganoong set-up. Less talk, less mistake, ‘ika nga.

True kaya ang chikang ang driver ng actor ang siyang nagda-drive para sa aktres during taping? Nakikita kasi ng mga taga-production ang driver ng actor tuwing may taping ang aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending