Aicelle Santos napiling gumanap na ‘Gigi’ sa Miss Saigon | Bandera

Aicelle Santos napiling gumanap na ‘Gigi’ sa Miss Saigon

- March 04, 2018 - 12:15 AM

Larawan mula sa Instagram ni Aicelle Santos

VERY proud ang GMA Network sa kanilang home-grown singer at actress na si Aicelle Santos.

Nakuha kasi ang dalaga para gumanap na Gigi Van Tranh sa obra ni Cameron Mackintosh na “Miss Saigon UK Tour.” Matapos ang matagumpay niyang pagganap bilang Elsa sa “Himala: Isang Musikal,” ngayon ay sa pandaigdig naman na entablado siya magpapakitang-gilas.

Unang ipinamalas ng Rock and Soul Diva ang galing niya sa pagkanta at pag-arte sa pagganap niya bilang si Aileen sa award-winning local musical na “Rak of Aegis,” na nagbigay-daan sa kanya para makuha ang Best Actress in a Musical Production Award sa Aliw Awards 2014.

Nagsunud-sunod din ang paggawa niya ng mga musicale at naging paborito ng iba’t ibang produksyon dahil sa husay na ipinapakita ng Kapuso star. Nitong Disyembre, 2017 ay kinilala siyang muli ng Aliw Awards bilang Best Actress in a Featured Role para naman sa pagganap niya bilang Perla sa “Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag.”

Para pa rin sa nasabing pagganap, nominado si Aicelle bilang Best Female Featured Actress in a Musical sa Gawad Gawad Philstage Award.

Patuloy pa ring makikita ang Kapuso star sa telebisyon dahil malapit nang mapanood sa GMA ang kanyang matagumpay na “Awit Na Aicelle” concert, samantalang nakatakda ring ipalabas ang music video para sa single niyang “Tuloy Tuloy Lang” sa susunod na mga buwan.

Ngayong Marso ay lilipad na si Aicelle papuntang UK para simulan ang kanyang training sa “Miss Saigon”, at sabik na siyang ipagmalaki ang talento ng mga Pilipino sa buong mundo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending