Movie nina Piolo at Juday tuloy na raw; payag kaya si Ryan? | Bandera

Movie nina Piolo at Juday tuloy na raw; payag kaya si Ryan?

Cristy Fermin |March 03,2018
facebook
share this

Movie nina Piolo at Juday tuloy na raw; payag kaya si Ryan?

Cristy Fermin - March 03, 2018 - 12:35 AM

JUDY ANN SANTOS PIOLO PASCUAL

NAKASALANG daw sa plantilya ng mga pelikulang gagawin ng Star Cinema ang muling tambalan nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual. Natural, may mga tagasuporta pa rin naman ang tambalan, kaya nabulabog ang mga ito sa kaligayahan.

Ewan lang kung nagbago na ang isip ni Juday tungkol sa muling tambalan nila ni Piolo, sa pagkakaalam kasi namin ay nu’n pa urong-sulong ang ganyang plano, dahil sa pagtanggi ng aktres na makipagtambal uli kay Piolo.

Kahit nga sa serye ay hindi pumayag si Judy Ann, matagal nang nakaplano ‘yun sa bakuran ng ABS-CBN, pero matabang na matabang ang aktres sa ganu’ng plano.

Matindi ang kunsiderasyon ni Judy Ann sa kapribaduhan ng kanyang pamilya, ayaw niyang mag-akyat ng problema sa kanilang tahanan, alam niyang hindi ikatutuwa ni Ryan Agoncillo ang ganu’ng proyekto.

Matagal na panahon na ang nakalilipas pero hanggang ngayon ay may mga nakakaalala pa rin sa nakaraang alitan nina Ryan at Piolo nang dahil kay Juday. Gugustuhin pa ba uli ng aktres ang ganu’ng senaryo?

Pero hindi naman imposibleng maganap ang hiling ng kanilang mga tagahanga. Nagbabago ang panahon, nagbabago rin ang ating mga desisyon, malay naman natin kung isang araw ay pumayag na rin si Judy Ann Santos sa isang proyekto ng pagbabalik-tambalan nila ni Piolo Pascual.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending