Malas ba sa pag-ibig? | Bandera

Malas ba sa pag-ibig?

Joseph Greenfield - June 24, 2013 - 07:00 AM

Sulat mula kay Maritess ng Quezon Avenue, Miputak, Dipolog City
Dear Sir Greenfield,
Marami na akong naka-relasyon, pero wala pong nagtagal. Sabi ng mga kapatid ko, sinsira ko lang daw ang buhay ko. Pero ano ang magagawa ko, parang malas yata talaga ako sa pag-ibig.
Sa ngayon gusto ko ng magbagong buhay, pero hindi ko alam kung paano magsisimula. May mga manliligaw parin naman, subalit hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko sa kanila. Natatakot akong baka magkamali na naman ako, kaya naisipan kong sumulat sa inyo. Sana magabayan nyo ako. Bale dalawa ang masugid kong manliligaw sa ngayon: Isang isinilang nuong  January 30, 1988 at isang isinilang nuong January 14, 1987. Habang April 23, 1989 ang birthday ko. Sino sa kanila ang dapat kong piliin upang hindi na ako muling malasin sa pag-ibig? Gusto ko na po kasing magkaroon ng isang permanente at pang matagalang ka-relasyon.
Umaasa,
Maritess ng
Dipolog City
Solusyon/Analaysis:
Palmistry:
Medyo magulo at may bilog kasi ang Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, hindi nga gaanong magiging maganda ang karanasan mo sa pag-ibig sa simula g iyong pagdadalaga, pero pag tuntong mo ng edad 25 pataas, unti-unti ng maayos ang iyong love life, hanggang sa tuluyan kang lumigaya (Illustration 1. arrow 2.).
Cartomancy:
Ace of Diamonds, Queen of Clubs at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na taong 2014 sa buwanng Enero, magkaka-boyfriend ka na, at ang nasabing lalaki ay may kayumangging kulay ng balat, mabait at magiging tapat sa kanyang pag-ibig sayo habambuhay.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending