Kristoffer Martin kay Alden: Huy, hindi ako bakla! | Bandera

Kristoffer Martin kay Alden: Huy, hindi ako bakla!

Jun Nardo - March 01, 2018 - 12:20 AM


TAKOT si Kristoffer Martin na magkaroon ng full album kaya naman single muna ang kanyang ginagawa gaya ng latest song niyang “Paulit-Paulit.”

“Kasi parang hindi ko rin alam eh. Hindi ko alam kung tama ang sinasabi ko. First time ko rin kasi sa singing eh. Ako, mas gusto ko lang na single-single. Kasi pag album, kailangan bibilhin mo talaga eh.

“For me, gusto kong maka-hit lang ng isang kanta. Okay na. Then turned into album na. Bago lang kasi ako,” pahayag ni Kristoffer sa press launch ng single niya.

Hindi kasi sumailalim sa voice lessons ang Kapuso actor kaya kulang ang confidence niya sa pagkanta.
“Ang huling voice lessons ko ‘yung sa Little Big Superstar kasi hindi ko alam na papasukin ko ang music industry. Hopefully, makapag-aaral ako,” rason niya.

Pagdating sa mga kaibigan sa showbiz, sina Alden Richards at Bea Binene ang ilan sa malalapit sa kanya. Unforgettable kung paano sila nagkakila ng Pambasang Bae six years ago.

“Sa countdown ‘yon ng GMA. Mas nauna ako sa kanya. Parang nakita ko siya. Ako kasi nu’ng bata ako, sira ulo rin ako. Mayabang-yabang din.

“Umakbay siya sa akin. Hindi ko siya kilala. Para akong nailang. ‘Hoy, hindi ako bakla, huh!’ As in ginanu’n ko siya. Dala-dala ‘yon ni Alden hanggang ngayon. ‘Yun ang same story na sasabihin niya.

“From there, sobrang naging kuya ko siya. Sira ulo ako noon. Galing ako sa Olongapo eh. Pero matagal na ‘yon.

“Then, simula na ‘yon. Nag-start ang Tween Academy, dire-diretso na ‘yung pagkakaibigan namin.

“Wala, wala kaming isyu. Sobrang Kuya ko siya!” paliwanag pa ni Kristoffer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending