Alden humingi ng sorry sa mga kaibigang celeb | Bandera

Alden humingi ng sorry sa mga kaibigang celeb

- March 01, 2018 - 12:20 AM

NANANATILI pa ring magkaibigan sina Alden Richards at Kristoffer Martin sa kabila ng pamba-bash ng AlDub fans sa dating ka-loveteam ni Joyce Ching.

Ayon kay Kristoffer, totoong naaapektuhan kahit paano ang friendship nila ni Alden pero hindi nila hinahayaan na masira ang kanilang relasyon.

“Sa amin kasi, hiwalay ang trabaho sa personal naming buhay. Kumbaga, nandiyan kami bilang kaibigan, para sa isa’t isa,” pahayag ng binata.

Kamakailan ay na-bash nang todo si Kristoffer ng mga fans nina Alden at Maine Mendoza matapos mag-post sa kanyang social media account na may kinalaman sa pagbubuhat daw ng kamay ng isang babae sa lalaki, na ang tinutukoy ay ang mga “pisikalang” eksena daw ng AlDub sa Eat Bulaga.

Nilinaw ni Kristoffer na wala siyang pinatatamaang kahit sino sa kanyang tweet.

Ayon kay Kristoffer, sa mga ganitong pagkakataon, lalo na kapag nadadamay na sila sa galit ng AlDub fans, si Alden na mismo ang nagpapaliwanag sa kanila.

“Humihingi siya ng pasensiya, na siya na rin ang nagsasabi na, ‘Huwag na kayong mag-post regarding sa mga labas, sa mga lakad. Para hindi na rin maano.’ Kasi sobrang concerned din niya, e,” ani Kristoffer nang makachika ng ilang members ng entertainment media sa presscon na ibinigay sa kanya ng GMA Records para sa latest single niyang “Paulit-Ulit.”

Para sa lahat ng hindi pa nakakaalam, ang “Paulit-Ulit” ang ginamit na theme song sa Korean series na Fight For My Way na napapanood ngayon sa GMA.

Inamin din ni Kristoffer na sila na lang na mga kaibigan ni Alden ang nag-a-adjust para hindi na maapektuhan ang kanilang friendship, “Yung unang-una, mahirap, parang ang hirap maging malayang maging kaibigan, parang ganu’n. Pero ngayon, parang nasanay na kami. Nasanay na, tanggap na lang.”

Aniya pa, “Yun lang, minsan mare-restrict kaming mag-post, kasi baka may masabi ang tao. Kumbaga, sa aming circle of friends, ‘Mas maganda na tayo-tayo na lang may alam. Huwag na tayong mag-post para wala nang masabi. Mas maganda nang lumalabas tayong tahimik.'”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending