Pinoy mataas pa rin ang tiwala sa US; maliit ang tiwala sa China-SWS
Mas pinagkakatiwalaan pa rin ng mga Filipino ang Estados Unidos kumpara sa China ayon sa survey ng Social Weather Stations.
Sa survey na isinagawa noong Disyembre, sinabi ng 75 porsyento na mayroon silang malaking tiwala sa Estados Unidos na pinakamataas na rating kumpara sa ibang bansa na kasama sa survey.
Nakakuha naman ang US ng pitong porsyentong little trust at 17 porsyentong undecided kaya mayroon itong net rating na 68 porsyento.
Ang Canada naman ay nakakuha ng 65 porsyentong napakalaki o medyo malaking tiwala at 10 porsyentong maliit o walang tiwala o 55 porsyentong net rating.
Sumunod naman ang Japan na mayroong net rating na 54 porsyento (65 porsyentong much trust at 11 porsyentong little trust).
Ang Singapore naman ay may 29 porsyentong net rating (47 porsyentong much trust at 17 porsyentong little trust).
Ang Malaysia naman ay may 20 porsyentong net rating (40 porsyentong much trust at 20 porsyentong little trust).
Mayroon namang net rating na 19 porsyento ang Thailand (39 porsyentong mush trust at 19 porsyentong little trust).
Ang Indonesia naman ay mayroong 18 porsyentong net rating (38 much trust at 20 little trust).
Ang Brunei ay 16 porsyento ang net rating (37 much trust, 21 little trust).
Ang Vietnam naman ay 13 porsyento ang net rating (34 much trust at 21 porsyentong little trust). Ang Myanmar ay may 8 porsyentong net rating (31 much trust at 24 little trust).
Ang Cambodia ay 7 porsyento ang net rating (31 much trust at 24 little trust).
Ang China ay 7 porsyentong net rating (38 much trust at 31 little trust).
Ang Laos ay 3 porsyento (27 much trust at 24 little trust).
Ang North Korea naman ang nag-iisang nakakuha ng negatibong net rating. Ito ay -19 porsyento o 24 porsyentong much trust at 43 porsyentong little trust.
Ang survey ay ginawa mula Disyembre 8-16 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.