Robin gumanti sa foreigner na nambastos sa mga Pinay: Don't do that to my countrymen!!! | Bandera

Robin gumanti sa foreigner na nambastos sa mga Pinay: Don’t do that to my countrymen!!!

Alex Brosas - February 28, 2018 - 12:25 AM


ITINULAK ng Sana Dalawa Ang Puso star na si Robin Padilla ang isang male foreigner na tila nambastos sa fans niyang Pinay.

Gusto ring magpa-sefie ng foreigner kay Robin kaya pinapaalis nito ang Pinay fans ng actor. With that ay itinulak ni Robin ang guy sabay sabing, “Don’t do that to my countrymen.”

May mga nam-bash kay Robin pero marami ang humanga sa ginawa niya.

“Yan dapat eh. Dapat makabayan tayo. Hindi tayo dapat magpaka inferior sa foreigners.”

“RUDE YUNG FOREIGNER! GUSTO SYA PA MAUNA! HELLO! KALALAKING TAO PINATATABI YUNG BABAE. Mainit uli ni Robin sa mga hindi Filipino.”

“I don’t understand why people are bashing Robin. Kung sa nanay nyo nangyare yan or kapatid nyong babae matutuwa ba kayo? There’s obviously no respect from the foreigner. He was doing gestures for Robin to ignore the female fan.

“Yung ibang tao nga singitan ka lang sa line nakaka irritate na, yung ganyanin ka pa? Makabash lang talaga ibang tao. Please use your brain sometimes hindi puro kuda. Disclaimer: I’m not a fan of Robin it’s just annoying when people nowadays speak before they think.”

“Parang sinabi ni Kano alis ka diyan ako muna kalalaking tao! Hindi lahat ng foreigner ah, halos maliit ang tingin nila sa mga Pinay. Well done Robin.”

“Tinabig nung foreigner yung pangalawang babae na magpapapicture. Di lang masyado nahalata kasi natakpan nung dumaan yung unang babaeng nagpapicture. Ang lakas lang ng tulak ni Robin sa foreigner. Hahahahaha.”

Samantala, sa Sana Dalawa Ang Puso ay umiral ang pagiging gentleman ni Leo Tabayoyong (Robin ) kay Lisa (Jodi Sta. Maria) nang masarhan sila ng pintuan sa rooftop ng building. Naiyak si Lisa nang maalala ang galit ng kanyang ama (Christopher de Leon). Pinahid pa ni Leo ang luha ni Lisa sa eksena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending