Sunshine sa laiterang basher: Mukha bang bra at pante ‘yan?
NA-BAD TRIP si Sunshine Cruz sa isang basher na nanlait sa kanyang katawan base na rin sa ipinost niyang bikini photo sa Instagram.
Komento ng netizen, “Ang tanda mu na, sa kwarto ka pa nagpa picture naka bra and pante, hindi ka ba nahihiya sa sarili mo?”
Resbak naman ni Sunshine, “Mukha bang bra at PANTE yan? Lol! Nakikitingin ka nalang di mo pa gamitin pagiisip mo. Husga pa more!”
Nauna rito, isa pang netizen ang nam-bash sa aktres nang mag-post siya ng sexy photo sa IG kasama sina Alice Dixson at Ina Raymundo. Sinabi nitong nagpa-tummy tuck daw ang aktres, o produkto raw ng cosmetic procedure ang sobrang liit niyang kanyang tiyan.
Sagot naman dito ni Sunshine, “I have nothing against women undergoing the procedure pero hindi pa ako nagpapa tummy tuck. Excuse my belly button. Maliit talaga yan just like my sisters pusod.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.