Iza naglabas ng tampo sa Star Awards matapos manalong Best Movie Actress
SIXTEEN years ang hinintay ni Iza Calzado bago nasungkit ang Best Actress award sa 34th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club last Sunday. Kaya naging very emotional si Iza during her speech at ‘di napigilang maluha.
Inialay ni Iza ang kanyang award sa mga magulang especially to her dad, ang yumaong dancer/choreographer na si Lito Calzado. Dahil sa kanyang ama kaya very special and meaningful ang Best Actress trophy na nakuha.
Bata pa lang kasi siya ay kinakaray na siya ng kanyang ama sa awards night ng PMPC. Naging bahagi ng production team ng Airtime Marketing na producer ng Star Awards for the longest time ang kanyang ama at karamihan ng PMPC members ay kaibigan ni Lito.
At sa kanyang acceptance speech ‘di niya napigilang maglabas ng konting tampo sa PMPC, “Akala ko hindi ako mahal ng PMPC,” lahad ni Iza.
Kabilang din siya sa set of hosts ng 34th Star Awards for Movies na mapapanood sa ABS-CBN on March 18, 10:30 a.m.. Yes, umaga ng Sunday ang airing ng Star Awards for Movies, huh!
Ang iba pang hosts sa Star Awards ay sina Judy Ann Santos, Enchong Dee, Xian Lim, Julia Barretto and Kim Chiu. Isa sa segment ng show ay nagkasama ang ex-lovers na sina Kim at Xian.
Sa naturang segment obvious ang ‘di pagiging kumportable ni Xian kasama si Kim. Ni hindi siya tumingin sa dalaga. Mapipilitan lang siyang tumingin kapag may sasabihin ito sa aktres. Super NR, as in no reaction din si Xian every time magsisigawan ang fans sa audience at kakausapin ni Kim ang fans.
Nagmumukhang “ewan” tuloy si Kim at parang wala siyang katabi. Kelan lang ay panay ang pakilig nilang dalawa sa fans kahit wala namang kawawaan ang mga sinasabi ni Kim ‘no. Feeling tuloy ng ibang nakapansin, tila may matinding tampo itong si Xian kay Kim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.