Libo-libong pasahero apektado sa aberya ng MRT-3
Leifbilly Begas - Bandera February 19, 2018 - 03:34 PM
Hindi nakabiyahe sa oras ang mga tren ng Metro Rail Transit 3 kaninang umaga.
Ayon sa incident report ng MRT3, iniulat ng Overhead Catenary System team na mayroong power failure sa pagitan ng North Avenue at GMA-Kamuning station northbound alas-4 ng umaga. Makalipas ang isang oras ay nag-abiso na ang Control Center na magkakaroon ng delay ang pagbiyahe ng mga tren dahil hindi pa naaayos ang problema. “It was identified that the power supply failure was due to intertwined wires – the stringed new feeder wire made contact with the outrun messenger wire,” saad ng advisory. “This affected the supply of 750 Vdc of electricity needed to run our trains.” Inaalam pa kung ang sanhi ng problema ay ang ginawa ng contractor para sa Power Capacity Expansion Project. Noong Linggo ng gabi ay gumawa ang contractor na ASIAPHIL. “We are investigating the possibility of the works affecting the wirings.” Naayos na ang problema alas-6:15 ng umaga at bumiyahe na ang mga tren. Alas-6:50 ng umaga ay pitong tren na ang bumibiyahe.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending