May divorce law na bago ang 2019 elections | Bandera

May divorce law na bago ang 2019 elections

Leifbilly Begas - February 18, 2018 - 04:09 PM
Bago ang eleksiyon sa 2019 ay posibleng mayroon ng divorce law sa bansa.     Ito ang sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagman na nagsabi na mas madaling ipasa ang divorce law kumpara sa Reproductive Health law.     “Palagay ko bago magtapos ang 17th Congress, meron na tayong divorce [law],” ani Lagman. “Mas mabilis itong isabatas compared to the controversial reproductive health bill.”     Si Lagman ang lider ng technical working group na binuo para balangaksin ang panukala. Planong aprubahan ng komite ang divorce bill bago ang pagdiriwang ng International Women’s Day sa Marso.     “Ito ay pagbibigay ng diin na ang divorce bill ay pro-women legislation na higit pa sa mga kalalakihan ang mga asawang babae ay nangangailangan ng divorce bill sapagkat matagal na silang biktima ng failed marriages,” dagdag pa ng solon.     Isa umano ang madalas na pananakit sa tinitingnan nilang dahilan sa pagbibigay ng divorce.     Sa kasalukuyang Family Code, ito ay isang ground para sa legal separation.     “Sapagkat huwag mo naman bigyan ng masyadong pagsakripisyo ang isang asawang babae na halos araw-araw binubugbog.”     Pagdating naman sa kustodiya ng mga anak, maaari umanong magbigay ng suhestyon ang naghihiwalay na kailangang aprubahan ng korte.     Sinabi ni Lagman na nais nilang pabilisin at gawing mura ang proseso ng paghihiwalay. Wala na umanong pababayarang filing fee sa mga mahihirap na maghihiwalay at libre rin ang kanilang abugado.     Kapag naghain umano ng divorce, magbibigay ang korte ng anim na buwang cooling period upang tignan kung hindi na magkakaayos ang dalawa bago simulan ang pagdinig.     Kung ang grounds ay pananakit, sinabi ni Lagman na wala ng cooling period. “Sapagkat baka parusahan nang parusahan yung asawang babae.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending