Iza magpapakasal kay Ben Wintle bago matapos ang 2018 | Bandera

Iza magpapakasal kay Ben Wintle bago matapos ang 2018

Julie Bonifacio - February 18, 2018 - 12:25 AM


BLOOMING ang bride-to-be na si Iza Calzado na malapit na ring ikasal sa kanyang British entrepreneur fiancé na si Ben Wintle.

Lutang ang saya sa mukha ni Iza nu’ng makatsihan namin sa Film Ambassador’s Night ng Film Development Council of the Philippines. Kinilala ng FDCP ang karangalang ibinigay niya sa bansa sa pagkakapanalo niya ng Yahusi Pearl Award sa 2017 Osaka Film Festival.

Kinumpirma ni Iza na magaganap ang kasal nila ni Ben bago matapos ang 2018. At gaya ng ibang IT Girls (tulad nina Anne Curtis at Isabelle Daza) na nagpakasal sa ibang bansa, ni-reveal ni Iza na hindi rin sa Pilipinas magaganap ang pag-iisang dibdib nila Ben.

Since latter part pa naman ng taon ang wedding ni Iza, she has still have time to make a teleserye. And according to her, she’s part of the new and first ever teleserye ng magka-labtim na sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa Kapamilya network. We heard, kasama rin ang aktres na si Ana Capri sa bagong serye ng JoshLia loveteam at ang direktor ay si Jerry Sineneng.

Dahil may bagong serye na si Josua, ibig sabihin kaya nito ay nalalapit na rin ang ending ng existing primetime teleserye niyang The Good Son?

q q q

Bukod kay Iza Calzado na dumating sa Ambassador’s Night, nandoon din ang aktor na si Allen Dizon para personal na tanggapin ang highest honor na ipinagkaloob ng FDCP sa naturang event, ang Camera Obscura Artistic Excellence Award.

Last year, nabigyan din si Allen ng ganitong parangal kasama ang mga direktor na sina Brillante Mendoza at Lav Diaz pati na sina Jaclyn Jose at Teri Malvar.

Speaking of Direk Brillante, dream come true for Allen na makatrabaho niya ang award-winning director sa tentatively titled soon-to-be-released film na “Bayang Magiliw.” Tapos na raw niyang i-shoot ang movie last December.

Hindi lang si Direk Brillante ang first time na nakatrabaho niya sa movie kundi pati na ang leading lady niyang si Judy Ann Santos.

Isa siyang sundalo na nakikipaglaban sa Marawi na mister ni Juday. At the same time, ‘yung anak naman nila ay may cancer.

Kumpara sa iba niyang naging direktor, napaka-cool daw ni Direk Brillante sa set, “Parang hinahayaan lang niya kami. Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin. Pero sasabihin niya, ‘Huwag masyado. Ano lang, ganyan lang. Huwag sobra.’ After that, alam ko na ‘yung gusto niya.”

Hindi pa raw niya alam kung kailan ipalalabas ang first movie niya with Juday. Pero feeling niya baka isali raw ito ni Direk Brillante sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Sa ngayon, antabayanan lang daw ang local release ng movie niya with Angeli Sanoy na “Bomba” na nabigyan ng X rating ng MTRCB. But later on, pinayagan nang ipalabas with R-13 rating. Pero wala raw cut ‘yung movie.

“Ah, hindi,” mabilis na sagot ni Allen. “Ang nangyari du’n, parang ‘yung uniform ng pulis, kasi parang hindi niya inayos ang uniform niya.”

At ang pangalawang dahilan daw ay ‘yung tema ng movie na medyo taboo, “Parang maselan daw kasi bata ‘yung babae. Kaya mas inuna na talaga siya ipalabas sa ibang bansa. Pero dito sa atin, naka-entry ‘yung ‘Bomba’ sa Sinag Maynila.”

Pero wala naman daw talagang ipinakitang maseselan na eksena sa pelikula. Walang eksenang naghahalikan. Walang physical contact. Pero given na ‘yun.

“Kasi ano, nagsama kami sa isang bubong sa probinsya, tapos nagpunta kami sa Maynila. Parang tinanan ko siya, para lumayo kami at magtrabaho. Pinagpaalam ko siya na ako magtatrabaho sa Maynila, at siya naman mag-a-apply ng maid, ganu’n. Pero magkasama pa rin kami.”

Nanalo bilang Best Actor si Allen at Best Actress naman si Angeli for this movie sa katatapos lang na Dhaka International Filmfest sa Bangladesh.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi siya tungkol sa military. Ang akala mo ‘pag ‘Bomba’, dalawa lang ‘yun, either sexy film or literal na bomba na sumasabog. Sa amin naman, tao ang sumasabog. Kasi pipi ako sa fillm. So, parang kinimkim ko lahat, hindi ko masabi hanggang sa sumabog na siya,” esplika pa ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending