JC, Bela susubukin kung paano lalabanan ang tukso | Bandera

JC, Bela susubukin kung paano lalabanan ang tukso

- February 17, 2018 - 12:20 AM


PAGKATAPOS bumida sa big screen ay magtatambal naman sina JC Santos at Bela Padilla sa unang pagkakataon sa telebisyon bilang magkasintahang susubukin ng tukso ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos.

Walang ibang hinangad si Karla (Bela) kung hindi ang makapunta sa Hong Kong Disneyland at makita ang magarbo nitong fireworks. Bata pa lang siya ay pinapangakuan na siya ng kanyang amang si Alex (Christian Vasquez) na dadalhin siya roon basta mataas ang kanyang grades sa school.

Ngunit isang araw, binisita niya ang ama sa trabaho at makikita niya itong may kahalikang ibang babae. Simula noon, natakot na si Karla na pumasok sa isang relasyon.

Tanging ang binatang si Gio (JC) ang nakakuha ng loob niya sa pamamagitan ng masigasig na panliligaw. Kaya naman ang dati’y takot umibig ngayon in a relationship na.

Taon din ang tinakbo ng kanilang pagsasama at maging ang pangarap ni Karla na makapunta sa Hong Kong Disneyland ay sabay din nilang tinupad. Mala-fairy tale na sana ang kanilang love story hanggang sa madiskubre ni Karla na may nilalandi na palang iba si JC.

Paano kaya tinanggap ni Karla ang ginawang panloloko ni Gio? Bibigyan pa kaya nito ang nobyo ng second chance?

Makakasama rin sa upcoming MMK episode na ito sina Belle Mariano, Zaijian Jaranilla, Almirah Muhlach, Eda Nolan, Heaven Peralejo, Sophia Baars at Chienna Filomena.

Ito’y sa direksyon ni Nuel Naval at sa panulat ni Joan Habana. Ang MMK ay pinamumunuan ng Business Unit Head na si Roda dela Cerna.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending