2  patay sa banggaan ng 4 na sasakyan sa Isabela | Bandera

2  patay sa banggaan ng 4 na sasakyan sa Isabela

|February 16,2018
facebook
share this

2  patay sa banggaan ng 4 na sasakyan sa Isabela

- February 16, 2018 - 05:24 PM

PATAY ang dalawa katao matapos ang banggaan ng apat na sasakyan, kabilang na ang tatlong  ten-wheeler truck at isang tricycle sa kahabaan ng national highway sa Gamu, Isabela kahapon, ayon sa pulisya.

Sinabi ni Gamu police head Chief Insp. Richard Limbo na naganap ang aksidente ganap na alas-4:55 ng gabi sa kahabaan ng national highway sa barangay Upi. 

Kabilang sa mga nasawi ay sina Michael Sanchez , 38, project contractor ng Ilagan City; at Crismel Delos Santos, 40. Bumangga ang sinasakyan nilang tricycle sa 10-wheeler truck na minamaneho ni Alex Siazon,42, na sumalpok naman sa pangalawang ten-wheeler truck na minamaneho ni Rommel Ubando, 39, sabi ni Limbo.

Naipit pa ang tricycle ng pangatlong 10-wheeler truck na minamaneho ni Kerwin Dalog, 30, na tumakas matapos ang insidente. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending