Mga pulis namigay ng bulaklak sa mga pasahero ng MRT sa Valentine’s Day
INIKOT ng mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) at Police Community Relation Group ng Philippine National Police ang Cubao station ng Metro Rail Transit-3 (MRT) para mamigay ng bulaklak sa mga pasahero bilang paggunita ng Valentine’s Day.
Tinagurian ang pamimigay ng rosas ng mga pulis na “Katok ng Pagbabago Mula sa Puso” para sa Araw ng mga Puso.
Nagsimulang mamigay ng rosas ang mga pulis sa mga pasahero ganap na alas-8 ng umaga.
Naispatan naman ang mga mascot nina PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa at QCPD PO1 Hinirang sa isinagawang aktibidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.