Operasyon, saklaw ba ng Philhealth? | Bandera

Operasyon, saklaw ba ng Philhealth?

Liza Soriano - February 14, 2018 - 12:10 AM

DEAR Ma’am,

Magtatanong po sana ako tungkol sa case ng asawa ko. Nagkaroon po siya ng aksidente sa motor—bale self-accident po. Nagkaroon po siya ng fracture sa third segment at total displacement sa left clavicle.

Sabi po ng doctor ay kailangan siyang operahan sa lalong madaling panahon.

Pinaghahanda niya po kami ng pambayad na P35,000 to P38,000 para sa operasyon, set po iyon ng mga metal at screw.

Hindi daw po kasi iyon covered ng Philhealth at hindi isinasama sa billing sa hospital.

Ganoon po ba talaga iyon? Hindi po ba covered ng Philhealth ang mga gagamitin sa operasyon?

Salamat po sa pagsagot.

Aurelie

REPLY: Pagbati mula sa PhilHealth!

Ikinalulungkot po naming malaman ang sitwasyon ng inyong asawa.

Nais po naming ipabatid na may mga nakatalagang halaga na babayaran ng PhilHealth sa bawat sakit o operasyon o tinatawag na All Case Rate.

Ang Case rate po ay base sa medical diagnosis o procedure/operasyon na ginawa. Kung magkano man po ang humigit sa benepisyo ay inyo na pong babayaran.

Upang amin pong maberipika kung ang operasyon na gagawin sa inyong asawa ay covered ng PhilHealth, mangyari po lamang na paki-bigay sa amin ang RVS code (Relative Value Scale) ng kanyang final diagnosis. Maaari po itong makuha o mahingi sa kanyang assigned doctor.

Hihintayin po namin ang inyong kasagutan.

Salamat po sa inyong kooperasyon.

Lubos na gumagalang,

CORPORATE ACTION CENTER
24-Hour Hotline: (02) 4417442
Text Hotline: (0917) 8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: [email protected]
FB: https://www.facebook.com/PhilHealth
Twitter: @teamphilhealth
Address: Citystate Centre, 709 Shaw Blvd., 1603 Pasig City,
Philippines
CPL

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending