Mark gwapo na, 'nagmamaganda' pa | Bandera

Mark gwapo na, ‘nagmamaganda’ pa

Ambet Nabus |February 11,2018
facebook
share this

Mark gwapo na, ‘nagmamaganda’ pa

Ambet Nabus - February 11, 2018 - 01:00 AM

MARK BAUTISTA

GWAPO na, maganda pa. ‘Yan ang dating sa amin ngayon ni Mark Bautista matapos kumalat ang ilang bahagi ng kanyang libro.

Hindi na kami masyadong na-shock sa parte ng kanyang rebelasyon dahil kahit noon pa man ay may mga nababalitaan na kami hinggil sa kanyang tunay na pagkatao, kabilang na ang kanyang mga “intimate” encounter sa babae man o kapwa lalaki.

Ayon pa raw sa isang bahagi ng libro, pareho raw nae-enjoy ni Mark ang pakikipagchurvahan sa babae at sa lalaki. Ibig sabihin, isa rin siyang certified “chickboy”, pwede sa chick, pwede rin sa boy.

Basta proud lang kami kay Mark dahil finally ay nagkaroon na siya ng tapang at lakas ng loob para ikuwento (kahit pa-blind item) ang ilang mahahalagang bahagi ng kanyang buhay.

May this serve as an inspiration and a good guide to those who like him, are also in the dark pa rin sa paghanap sa tunay nilang kasarian.

We will see kung paano nitong maaapektuhan ang career niya dahil sa totoo lang, he has already achieved so much bilang singer and concert performer.

Congrats, Mark!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending