53 patay napatay ng PNP kaugnay ng gera kontra droga | Bandera

53 patay napatay ng PNP kaugnay ng gera kontra droga

- February 09, 2018 - 02:35 PM

UMABOT na sa 53 ang napapatay sa mga operasyon ng pulis matapos ibalik muli sa Philippine National Police (PNP) ang gera kontra droga ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni PNP deputy spokesperson Supt. Vimilee Madrid na ang mga napatay ay mula sa operasyon na nagsimula noong Disyembre 5, 2017 hanggang Pebrero 8, 2018.

Idinagdag ni Madrid na posibleng nanlaban ang mga napatay nang sila ay aarestuhin sa isinagawang operasyon ng mga operatiba.

Ayon pa kay Madrid, 31 sa mga napatay ay dahil sa isinagawang buybust operation, samantalang 11 ang nasawi matapos ang operasyon na isinagawa ng PNP Regional Office 3 sa Central Luzon.

Niliwanag naman ni Madrid na nananatiling “bloodless” ang Oplan Tokhang na muling isinagawa noong Enero 29.

“Police units have arrested 6,253 drug personalities in 4,058 operations,” sabi ni Madrid.

Matatandaang inalis ni Duterte sa PNP ang kampanya kontra droga matapos naman ang pagkamatay ng mga binatilyo na sina Kian Loyd delos Santos, Carl Angelo Arnaiz, at Reynaldo “Kulot” de Guzman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending