Aktor na ‘nakatikiman’ ni Mark kilalang-kilala ng taga-showbiz | Bandera

Aktor na ‘nakatikiman’ ni Mark kilalang-kilala ng taga-showbiz

Jun Nardo - February 09, 2018 - 12:15 AM


NAGKAINTERES bigla ang sambayanan sa libro ng singer na si Mark Bautista dahil sa isang chapter nito tungkol sa pag-amin niya ng intimate encounter sa isang kaibigang lalaki.

‘Yung pagtatapat niyang ‘yon ay nanggulat sa kamalayan ng ilan sa showbiz na panay ang hula kung sino ang aktor at girlfriend nito dahil blind item ang drama ni Mark.

Sa taga-showbiz, alam nila kung sino ang dalawang characters na binanggit ni Mark. Pero mas pinili ng singer na wag nang pangalanan ang dalawa. Tama lang naman ang desisyon niyang maging blind item ‘yon dahil luma na nga ito.

Nasentro nga lang sa sexual encounter ni Mark ang laman ng book. Hindi nila binigyang-halaga ang mga pinagdaanan niya bago nagkapangalan bilang singer. Tutal naman, isang chapter lang sa buhay niya ang sexual encounter na ‘yon kumpara sa hirap niya bago magkaroon ng pangalan sa music industry.

May mga bumilib naman sa katapangan ilabas ni Mark ang tunay na saloobin! Pero sa Feb. 14, makikibalita kami sa reception ng tao sa kanyang Valentine show with Joana Ampil.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending