18 kilo ng hinihinalang shabu natagpuan sa beach | Bandera

18 kilo ng hinihinalang shabu natagpuan sa beach

John Roson - February 06, 2018 - 06:38 PM
Aabot sa 18 kilo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa drum ang natagpuan sa baybayin ng Divilacan, Isabela, nitong Lunes ng hapon, ayon sa pulisya. Nadiskubre ni Wardly Centeno, isang speedboat operator, ang drum na naglalaman ng hinihinalang droga sa baybayin ng Brgy. Dipudo dakong alas-2:30, sabi ni Supt. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng Cagayan Valley regional police. Nakalagay ang hinihinalang droga sa 18 pastic bag, na pawang mga nasa loob ng asul na container na tinatayang nasa 3′ ang taas, aniya. “Ang estimate per plastic bag ay 1 kilo each,” ani Iringan. “Sa istura ng kargamento ay kahalintulad nito ang shabu, pero upang makatiyak tayo ay kinakailangan natin itong ipasuri,” sabi naman ni Senior Insp. Jonathan Ramos, hepe ng Divilacan Police. Dinala na ang hinihinalang droga sa Regional Crime Laboratory Office sa Tuguegarao City at nakatakdang suriin Martes, ani Iringan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending