Klase sa Baguio sinuspinde matapos ang intensity 4 na lindol
NIYANIG ng intensity 4 ang Baguio City alas-8:42 kaninang umaga dahilan para isuspinde ang klase sa dalawang malalaking paaralan.
Ito’y matapos maitala ang magnitude 3.8 na lindol apat na kilometro silangan ng bayan ng Pugo, La Union.
Sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na wala namang aftershock na inaasahan.
Kabilang sa mga nagsuspinde ay ang Saint Louis University, ayon kay SLU Student Affairs Dean Andrew Macalma.
Suspendido rin ang pasok sa Pines City Colleges.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending