Jet-setter, alalay ni Mr. Secretary | Bandera

Jet-setter, alalay ni Mr. Secretary

Den Macaranas - February 02, 2018 - 12:10 AM

MULA sa dating simpleng mamamayan, ngayon ay isa nang certified jet-setter ang isang baklitang alalay ng isang Cabinet secretary.

Nabisto ng ating Cricket na itong si Mr. N ang nasa likod ng paninira sa ilang mediamen at ilang personalidad na kritikal sa kasalukuyang administrasyon.

Maaaring hindi alam ng Pangulo ang papel ng nilalang na ito sa kanyang Gabinete.

Sinabi ng ating Cricket na limitado lamang kay Mr. N at Cabinet Secretary ang detalye ng kanilang special operations.

Hanggang sa mga social media ay ramdam ang bangis ni Mr. N dahil nagagawa niyang magpa-suspinde ng ilang personal account gamit ang kanyang impluwensiya.

Mula sa dating utusan ngayon ay mistulang may sariling kaharian ang ating bida dahil sa laki ng pondo na ipinagkatiwala sa kanya. Kaya gandang-ganda at galing na galing sa kanyang sarili ang mahaderang nilalang na ito.

Kayang-kaya na niya ngayong mag-ikot sa iba’t ibang bansa gamit ang kanyang red passport.

Hindi lang mga bansa sa Asia ang kanyang pinupuntahan kundi mga malalayong lugar sa Europe at sa US.

Malayong-malayo ito sa kanyang dating buhay na mahilig mangutang kahit na P50 lang.

Ang misyon ng ating bida ay siraan ang mga bumabanat sa kasalukuyang administrasyon sa tulong ng kanyang mga alagang trolls.

Walang kaalam-alam ang mga keyboard warriors na ito na kalahati lamang ang ibinabayad sa kanila ng ating bida dahil kalahati ng pondo rito ay kanyang ibinubulsa.

Madaling nabisto ang raket ni Mr. N. dahil lahat ng kanyang mga pinupuntahang lugar ay visible sa ipinagyayabang pa niya sa personal niyang FB account.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang taong nasa likod ng paninira sa mga mediamen at grupong kritikal sa kasalukuyang administrasyon ay si Mr. N….as in Nitro.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending