Tren ng MRT nasira, 1K pasahero pinababa
Leifbilly Begas - Bandera February 01, 2018 - 06:54 PM
Pinababa ang may 1,000 pasahero ng tren ng Metro Rail Transit 3 ngayong hapon.
Alas-5:48 ng hapon ng magkaroon ng problema ang tren sa Shaw Boulevard southbound lane. Nagkaroon ng electrical failure ang motor ng tren. Ang mga pasahero ay sumakay sa sumunod na tren na dumating makalipas ang walong minuto. “One cause of electrical failure in motor is worn out electrical sub-components,” ayon sa advisory na ipinadala ng MRT. Ilang tren ng MRT ang hindi na pinabiyahe at ibinabalik sa depot upang ayusin.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending