Van nabangin: 3 patay, 6 sugatan | Bandera

Van nabangin: 3 patay, 6 sugatan

John Roson |January 31,2018
facebook
share this

Van nabangin: 3 patay, 6 sugatan

John Roson - January 31, 2018 - 05:03 PM
Tatlo katao ang nasawi at anim pa ang nasugatan nang mahulog ang sinakyan nilang van sa isang bangin sa Atok, Benguet, Martes ng hapon. Dead on arrival sa ospital ang mga pasaherong sina Mateo Elector Ngade, 34, at Lourdes Balog-ang, 69, ayon sa ulat ng Cordillera regional police. Binawian ng buhay sa ospital ang driver na si Rey Batong, 38, tatlong oras matapos ang insidente. Patuloy na ginagamot sa ospital ang mga pasahero ding sina Jessy Keth Panisigan, 6; Kyra Batawang, 4; Glenda Batawang, 41; Marilyn Tomayo, 41; Apolonia Pacalso, 68; at David Caoili Jr., 59. Naganap ang insidente dakong ala-1:50, sa Sitio Calasipan, Brgy. Cattubo. Minamaneho ni Batong ang kanyang Hi-Ace van (AEN-382) nang mahulog ito sa banging may lalim na aabot sa 300 metro, ayon sa ulat. Lumabas sa imbestigasyon na inunahan ng van ang isang Elf truck bago ito nadisgrasya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending