Sikat na female personality ipinahiya ang staff sa resto, walang respeto sa kapwa
KALIGAYAHAN na para sa mga kababayan natin ang makapagparetrato sa tabi ng mga personalidad.
Lalo na kung sikat ang artista, gumagawa talaga ng paraan ang mga fans para makapagpa-picture sa mga hinahangaan nila, pero depende ang sitwasyon kung papayag ang mga nilalapitan nila.
May mga personalidad na mabait, marunong tumanaw ng utang na loob, pero meron din namang maldita, walang pakialam sa mga tagahanga, deadma.
Isang gabi ay nakipag-dinner ang isang sikat na female personality sa kanyang mga kaibigan. Maingay si babae, sikat na siya ay parang naghahanap pa rin siya ng pansin, nagpaparamdam ang girl na nandu’n siya.
Kuwento ng aming source, “Natural, maraming may gustong magpa-picture sa kanya, kaya lang, e, kumakain pa siya. Pero parang mapang-inis ang girl, habang nakikita niyang may mga gustong lumapit sa kanya, e, saka naman siya subo nang subo ng food.
“Kapag medyo nakikipagkuwentuhan na siya at may gustong lumapit, mang-aasar na naman ang babaeng personalidad, nagkukunwaring susubo na naman nang susubo para hindi siya malapitan.
“So, natapos ang dinner ng grupo ng female personality nang walang nakapagparetrato sa kanya, bumaba agad ng resto ang girl, pero hindi rin siya nagparetrato sa mga nakaabang sa kanya sa ibaba ng restaurant,” kuwento ng aming source.
Habang naghihintay sa kanyang sasakyan ang female personality ay may mga nagtangkang magparetrato sa tabi niya, pero bigo rin, dahil nagkunwari naman siyang abalang-abalang nakikipag-usap sa phone.
“Nu’ng dumating na ang van niya, e, binuksan ng isang staff ng valet section ng resto ang pintuan ng sasakyan niya. Pero ang sabi ng girl, ‘Si kuya talaga, ang tanga-tanga! Hindi ako d’yan nauupo, sa likod ako ng driver ko!’
“Nagulantang sa kanya ang may edad nang empleyado ng resto, sinabihan siya na ang tanga-tanga ng babaeng ‘yun? Totoo raw palang magaspang ang kanyang ugali, sabi ng mga taga-resto, hindi nga naman nabibili ang magandang attitude kahit gaano pa kayaman ang isang artista,” kuwento ng aming source.
Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, ayaw n’yo rin ang kagaspangan ng ugali ng babaeng ito, lalo na ang bibig niyang super-laki!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.