Marcial itinalaga bilang bagong PBA commissioner
TULUYAN nang itinalaga ng PBA Board of Governors si Willie Marcial mula officer-in-charge ng liga tungo sa pagiging full-time commissioner.
Inihayag mismo ni PBA chairman Ricky Vargas ang opisyal na pagkakapili kay Marcial para maging ika-10 commissioner ng liga Huwebes ng tanghali kung saan ipinaliwanag din nito ang kasalukuyang format at sinusunod na polisiya ng liga hinggil sa pisikalidad at tawag ng mga referees sa ginaganap na Philippine Cup.
“All the members of the PBA board were one in saying his name to being unanimously appointed,” sabi ni Vargas. “There are other names that was mentioned, but in the end the one which was close and has been with the league ever since was chosen.”
Inihayag ng PBA Board ang desisyon sa unang buwanang pulong ng PBA board sa opisina ng liga sa Libis.
“The highlight of the discussion is the appointment of our [Marcial] as permanent commissioner of the PBA. He’s given a term if three years,” sabi pa ni lVargas.
Matatandaan na si Marcial ay itinalaga bilang officer-in-charge noong Disyembre 17, 2017 at siya ang magiging ika-10 Commissioner ng pangunahing pro league ng bansa na nagawang magpatuloy ang operasyon sa loob ng 43 taon.
Pupununan ni Marcial ang responsibilidad ng dating commissioner na si Andres “Chito” Narvasa, na matatandaan na nagbitiw sa kanyang puwesto ilang oras bago ang pagbubukas ng torneo ngayong taon.
“It was an appointment without any objections. The board gave the go-signal without any objections. As you know, the PBA board has gone through a very difficult time before the opening of this season, and we were looking for somebody who can put it together and help us heal, since there will be a lot of changes as we move along,” dagdag pa ni Vargas.
Tinagurian naman si Marcial na “healing commissioner” matapos na maging top candidate sa puwesto.
Ilan sa pinagpilian ay ang mga basketball personality na sina Chito Loyzaga, Rebo Saguisag, Joel Banal at Bill Velasco.
Si Marcial ay parte na sa management team ng liga magmula pa noong 2000 kung saan nagsilbi ito sa ilalim ng dating Commissioner na si Noli Eala. Una itong nasama sa liga bilang statistician.
Inaasahan din kay Marcial ang pagsisilbi bilang media burean chief na matagal na nitong hinahawakan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.