MAY tatlong taon na po kaming nagsasama ng aking girlfriend. Magkasundo kami at “compatible” ika nga nila. Wala pa po kaming anak at parehas kaming busy sa aming mga trabaho. Minsan nabanggit n’ya na gusto na niyang magpakasal kami upang maging legal na ang aming pagsasama. I am 36 years old and she’s 32 years old. Okay naman kami sa aming mga pamilya. May konting ipon naman ako pero hindi ko talaga alam kung gusto ko na siyang pakasalan.
Ayoko s’yang mawala pero hindi ko alam kung kailan ako magiging handang magpatali.
Ano po kaya ang dapat kong gawin upang maiparamdam ko sa nobya ko na mahal ko siya pero hindi pa ako handang magpakasal.
Jeff, Camarines Sur
Alam mo Jeff may mga kakilala din akong ganyan. Sila nga seven years nang nagsasama pero di pa rin kasal. Pero hindi ibig sabihin non ay hindi sila serious about their relationship. Posibleng choice kasi nila iyon.
Pero sa sitwasyon mo na may pahiwatig na ang dyowa na gusto niya na ng kasal, aba’y mag-isip ka na rin. Ayaw mo ba talagang magpatali pero love mo naman siya at sabi mo nga kayo ay compatible naman.
Natatakot ka bang may mabago sa inyong relasyon once na kasal na kayo?
O nababahala ka bang mawala ang iyong freedom? o kaya ay natatakot sa mabigat na responsibilidad?
Kinakailangan mo sigurong i-assess kung bakit hindi ka pa handa.
Kung ako tatanungin mo, hindi naman talaga biro ang pagpapakasal. Mas maigi na sigurado ka sa magiging partner mo na pang habambuhay at higit sa lahat sa sarili mo bago pasukin ang pagpapakasal.
Pero sabi mo nga, live-in na kayo for three years, so meron ka nang idea kung ano at sino s’ya sa loob ng bahay at kung paano ang “dynamics” ninyo sa ilalim ng iisang bubong.
Check mo rin ang posisyon ng GF mo. Dapat both parties ang desisyon at may free will kayong dalawa.
Wala dapat pressure at may respeto kayo isa’t-isa.
Baka dapat mo ring alamin kung ano ang dahilan ng kahilingan ng iyong GF na magpakasal na kayo?
Baka naman “the clock-is-ticking”?, you know, yung kanyang biological clock (Read: gusto na niyang magkaanak)
Walang masama kung itatanong mo ito sa kanya. Be nice. Be loving.
Sa tingin ko, kung mahal ka din talaga ng iyong nobya ay hindi ka rin naman n’ya pipilitin. Huwag mo lang siyang paasahin.
Bigyan mo rin siguro s’ya ng assurance na nais mo rin namang magpakasal, pero humahanap ka pa ng timing.
Paano mo malalaman kung ready ka na? Simple lang. Imagine na ikakasal ka na (as in now na!) .
Kinakailangan na confident ka na ang taong naglalakad at sasalubungin mo sa altar ay ang babaeng nararapat para sa’yo, that life without her is unimaginable.
Kung masasabi mo ito sa sarili mo, go for it.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.