Ayaw tumandang binata | Bandera

Ayaw tumandang binata

Beth Viaje - January 24, 2018 - 12:10 AM

Dear Ateng Beth,

Dapat na kaya akong mangamba? Papalapit na ang aking golden years pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong asawa. Ewan ko nga ba kung bakit lahat na lang yata ng niligawan ko, binabasted ako. Tapos lahat nagpapakasal.

Honestly, hindi ko pa naranasan magkaroon ng nobya sa buong buhay ko. Minsan sabi nga ng mga kaibigan ko, maging kontento ako sa buhay ko, pwede namang mabuhay nang masaya kahit walang asawa. Pero sa tingin parang hindi, e. Gusto kong magkapamilya, ayaw kong tumanda nang nag-iisa sa buhay. Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?

-Robert

Hi, Robert.

Hindi ba’t may kasabihan na, “Aanhin pa ang damo, kung matanda na ang kabayo”? I know, I know walang konek, naisip ko lang namang mag-joke.

Kuya, yung golden years will make you more precious, don’t you think? Oo, it’s just a number. Age is just a state of mind.

I have a male friend na ganyan din, daming niligawan, may itsura naman, may talent, may datung pero wala pa ring magkagusto.

Until tumigil siyang manligaw. Ginawa niya lang lahat nang gusto niyang gawin. Yung mga passion niya.
Ayun, dalawa na anak ng mokong, 54-anyos na siya nang makapag-asawa.

My point? Stop struggling sa pagkakaroon ng nobya. Instead, why not focus on your passion? Kapag masaya ka na sa buhay mo, tiyak na mag-aattract ka ng tamang tao.

Baka kaya di ka sinasagot ng mga nililigawan mo ay mukha ka kasing atat na atat na masagot at magkanobya. Kaya relax lang, pahirin ang laway, huwag magmadaling mag-asawa at baka magkamali pa. Dadating ang tamang tao pag tama na ang perspektibo mo.

Teka, what’s wrong naman ba sa kung tumandang binata kung masaya ka naman, di ba?

Pero gaya nga nang sinabi mo ayaw mong mag-isa sa buhay? Ayaw mong tumanda mag-isa? Robert, there are a lot of ways para hindi mapag-isa. Mag-spend ka ng time sa mga pamangkin mo. Mahalin sila, i spoil sila, maging superhero nila.

O kaya spend time with your parents o siblings, bigyan sila ng maliligayang memories.

Pag nagpasaya ka raw ng iba, you yourself will be refreshed and happy. Kaya go ahead and enjoy people around you.

By the way, pag kinasal ka, padalhan mo kami ng lechon ha?! Hahaha

 

***

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May problema ka ba kay misis o mister, sa BF o sa GF? Gustong maligawan, o kaya ay gustong kumalas sa kasintahan? May problema sa mga anak o mga magulang? Pera ba kamo? Aba’y isulat na yan kay Ateng Beth sa [email protected] o kaya ay i-text sa 09989558253.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending