Army pinaputukan ng NPA sa Mayon ops; 1 kawal sugatan | Bandera

Army pinaputukan ng NPA sa Mayon ops; 1 kawal sugatan

John Roson - January 23, 2018 - 05:30 PM
Isang kawal ang nasugatan nang paputukan ng mga umano’y kasapi ng New People’s Army ang mga sundalong tumutulong sa pagpapalikas dahil sa pagsabog ng Mayon Volcano, sa Guinobatan, Albay, nitong Lunes, ayon sa mga otoridad. Nasugatan si Pfc. Gilmo Canuel, ng Army 83rd Infantry Battalion, ayon sa ulat ng Guinobatan Police. Tinambangan ng apat na hinihinalang rebelde ang isang squad ng 83rd IB sa Brgy. Malobago dakong alas-3 ng umaga, habang pabalik ang mga kawal sa Doña Mercedes Patrol Base, ayon sa ulat. “After mag-conduct ng joint chokepoint ang Army and PNP, pabalik na sana sila ng camp, pagdating sa Brgy. Malobago, pinaputukan sila,” sabi ni Chief Insp. Arthur Gomez, tagapagsalita ng Albay provincial police. Gumanti ng putok ang mga kawal at tumagal nang 4 minuto ang engkuwentro. Di pa mabatid kung may nasugatan sa hanay ng mga rebelde. Nagsasagawa ng chokepoint ang Army at pulisya sa mga barangay na nakapaligid sa Mayon Volcano upang tiyaking walang residenteng naiwan o bumabalik sa loob ng 8-kilometer extended danger zone.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending