Mccoy de Leon ayaw magpalamon kina Joshua at Jerome
PATULOY na namamayagpag ang Primetime Bida series na The Good Son sa national TV ratings matapos itong tutukan ng mas maraming Pilipino kumpara sa bago nitong katapat.
Nagkamit nga ang serye ng national TV rating na 18.8% noong Jan. 15, ayon sa datos ng Kantar Media. Pinag-usapan din online ang nakakakabang tagpo ng serye matapos itong manguna sa listahan ng trending topics sa Twitter at makalikom ng libo-libong tweets mula sa netizens.
Tuloy-tuloy pa rin ang paghahanap kay Dado (Jeric Raval) matapos siyang makatakas sa kamay ng mga awtoridad nang matunton ang kanyang pinagtataguang bodegang pinagmamay-ari ng mga Buenavidez.
Dahil dito, muling nakatutok ang imbestigasyon ng mga pulis kay Olivia (Eula Valdez) upang ungkatin ang kinalaman nito sa kinaroroonan ng kalaguyo.
Ngunit patuloy din naman ang panggugulo nila sa pamilya nina Joseph (Joshua Garcia) at Obet (Mccoy de Leon) dahil sabay sa selebrasyon ng kaarawan ni Raquel (Mylene Dizon) ay ang pamamaril ni Dado sa karibal ni Olivia na siyang maglalagay sa buhay nito sa bingit ng kamatayan.
Mailigtas nga kaya ang buhay ni Raquel mula sa kapahamakan? Mahuhuli na nga ba si Dado upang pagbayaran ang kanyang mga kasalanan?
Huwag palampasin ang kakaibang kaso ng pagmamahal para sa pamilya sa The Good Son, gabi-gabi pagkatapos ng La Luna Sangre sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Samantala, nitong mga nakaraang episode ay pansin na pansin ang akting ni Mccoy sa The Good Son, puro papuri sa binata ang nababasa namin mula sa mga netizen na nakatutok sa programa.
Napakalaki na nga raw ng development sa akting ng ka-loveteam ni Elisse Joson, nakikipagsabayan na rin daw ito kina Joshua at Jerome Ponce na napaka-intense ng performance sa serye.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.