Horoscope, January 20, 2018 | Bandera

Horoscope, January 20, 2018

Madam Sophia |January 20,2018
facebook
share this

Horoscope, January 20, 2018

Madam Sophia - January 20, 2018 - 02:26 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2018 kusang darating ang suwerte sa pagpasok na pagpasok ng buwan ng Pebrero. At ang mabuting balita ay magtutuloy-tuloy na ang magandang kapalaran sa pag-ibig at pang-pinansyal hanggang sa buwan ng Disyembre. Mapalad ang 6, 9, 18, 23, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” Beige at magenta ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Wag mangutang para lang makabili ng bagong gamit. Alalahanin mong ang lahat ng mga nauusong gamit sa ngayon ay madaling nalalaos at naluluma din agad. Ilaan ang salapi sa mapagkakakitaang kalakal. Sa pag-ibig kung magiging masinop, lalo kang mapapamahal sa iyong kasuyo. Mapalad ang 4, 9, 22, 31, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Sa taong ito ng 2018 gawing inspirasyon ang mga mahal sa buhay! Sa pag-ibig, anoman ang maging suliranin, manatiling tapat sa kasuyong Virgo, hindi mo ba napapansin, malapit na kayong yumaman. Mapalad ang 5, 18, 22, 34, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Sol-Maya.” Green at orange ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa tulong ng isang kaibigang Sagittarius, may magandang kapalarang makakamit. Sa pinansiyal, isang Sagittarius din ang makalulutas ng iyong mga problema. Sa pag-ibig, bukod sa Sagittarius katugma mo ang isang Aquarius at Libra. Mapalad ang 3, 14, 24, 30, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Red at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Ang taong ito ng 2018 ay nakalaan sa iyo para sa isang masaya at wagas na pag-ibig. Kung ikaw ay isang dalaga o binata, hanapin at yayain mo na siya ngayon. Sa mga mag-asawa, masarap na romansa ang naghihintay. Sa pinansyal, kung lagi kayong masaya ng iyong kasuyo, aangat at lalago ng husto ang kabuhayan. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Rama-Krisna-Krisna!” Maroon at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Sa taong ito ng 2018 wag maging maluho. Alalahaning maraming mga kababayang natin ang nagugutom at walang trabaho. Hindi dapat maging makasarili, maging concern sa lipunang ginagalawan upang mas lalo pang umunlad at lumigaya. Mapalad ang 7, 9, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-Heh-Vau-Weh.” Red at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Tuloy ang suwerte sa taong ito ng 2018. Sa pinansyal, may malaking halaga ng salapi na darating. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang romantikong lugar. Mapalad ang 4, 9, 23, 30, 38 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Keh-Balam.” Yellow at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Sa taong ito ng 2018 maraming hahanga sa iyong kagandahan. Mag-ingat sa isang Virgo, na sadyang napapalapit na sa iyo ng husto. Sa pinansyal, habang patuloy kang gumaganda, lalo pang uunlad ang kabuhayan. Mapalad ang 3, 9, 14, 23, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Om.” Gray at silver ng buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa taong ito ng 2018 patuloy na lalago ang kabuhayan, kaya lang may babala na mara-racket ka na naman. Sa pinansiyal at sa pag-ibig, wag masyadong magtiwala sa mga kaibigang makuwento at madaldal. Mapalad ang 8, 17, 23, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kastha-Raga-Om.” Olive green at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa taong ito, hindi masamang mag-Facebook pero wag namang magbabad at ma-addict! Sa pinasniyal, mas makabubuting ituon ang bakanteng oras sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, wala sa Facebook ang tunay na pag-ibig, nasa tabi mo lang. Mapalad ang 6, 9, 24, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha.” Blue at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Wala ng ibang panahon upang magpumilit na yumaman kundi ngayon. Oo, ito ang tamang panahon upang piliting umunlad. Sa pag-ibig, nilalamig ang kasuyo, yayain siya sa isang lugar na kapwa iinit ang inyong katawan. Mapalad mong mantra: “Sutra-Vasudeva-Om.” Green at red ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa taong ito ng 2018 kulitin ang kapalaran. Sa pinansyal, dahil sa pangungulit madadagdagan ang iyong salapi, ngunit sa pag-ibig, kahit anong pangungulit ang gawain kapag ayaw na sa ‘yo ng isang tao wala ka nang magagawa talaga. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Black at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Wag masyadong magtiwala sa sarling kakayahan. Kailangang hingin ang opinyon at tulong ng mga kaibigan. Sa pinansyal, sa tulong ng mga mahal mo sa buhay mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, bagong istilo ng romansa ang dapat upang muling uminit ang relasyon. Mapalad ang 1, 19, 22, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohan-Om-Karan.” Silver at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending