AI AI suportado nina KRIS at PNOY, feeling presidente sa hearing nila ni JED | Bandera

AI AI suportado nina KRIS at PNOY, feeling presidente sa hearing nila ni JED

Alex Brosas - June 21, 2013 - 04:11 PM


Comedy Queen Ai Ai delas Alas showed much of her influence when she attended the preliminary hearing of her case against Jed Salang sa Quezon City Prosecutor‘s Office. Aba, tatlong military at isang PSG (Presidential Security Guard) daw ang nakabantay sa Concert Comedy Queen. Nakakaloka siya, ‘di ba?

We’re pretty certain na ginamit nin Ai Ai ang kanyang impluwensiya para bigyan siya ng security sa kanilang hearing. Alam naman nating lahat na close si Ai Ai sa presidential sister na si Kris Aquino at maging sa ating presidente na si Noynoy Aquino na ikinampanya niya noon.

This is kinda disturbing kasi parang nagagamit ang military at ang PSG pa man din para sa seguridad ng isang komedyante. Nakakahiya na pati military at PSG na wala namang kinalaman ay ginagamit ni Ai Ai. Ang alam namin ay dapat sa pamilya ng president naka-detail ang isang PSG guard, puwede na pala ito ngayong magbantay sa isang comedienne.

Nakalulungkot isipin na me payback time rin pala talaga ang mga pulitiko, kailangan nila magbayad ng utang na loob at the expense of their security aides. Is there a REAL AND IMMINENT danger ba sa  buhay ni Ai Ai kaya kailangan siyang bantayan ng tatlong military at isang PSG?

Kapag ang isang ordinaryong Pinoy ba na merong katulad na sitwasyon kay Ai Ai ay bibigyan rin ba ng  military at PSG escort ng ating pangulo? Clearly, nakakahiya ang eksena ni Ai Ai na merong military at PSG sa kanyang pagpunta sa preliminary hearing. It leaves a bad taste in the mouth. Hindi na siya nahiya.

Talagang ipinangalandakan pa niyang meron siyang security na galing sa palasyo.Kaya nga kami hindi namin makuhang igalang ang mga tao sa gobyerno. Wala kasi silang sense of proper discernment. Ang sabi ng pangulo ay panahon na para sa  DAANG MATUWID. Is this the kind of DAANG MATUWID that he is talking about?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending