Niyanig ng magnitude 3.3 lindol ang Ilocos Sur kaninang hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-3:32 ng hapon.
Ang sentro ng lindol ay 15 kilometro sa kanluran ng Vigan City at may lalim na dalawang kilometro.
Nagdulot ito ng Intensity II paggalaw sa bayan ng Sinait.
Naramdaman naman ng instrumento ng Phivolcs ang Intensity II sa Vigan City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending