HOROSCOPE June, 21, 2013 | Bandera

HOROSCOPE June, 21, 2013

Madam Sophia - June 21, 2013 - 01:35 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Kung sadyang sa iyo nakalaan ang magandang kapalaran, mapupunta sa iyo iyon nang kusa! ‘Wag malungkot sa mga nagdaang kabiguan. Iwasan ang maluhong pamumuhay, sa halip mamuhay ng simple lang. ’Yan ang susi ng tagumpay at wagas na kaligayahan. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Red at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Mahirap talagang mawalay sa minamahal ngunit kailangan mong gawin iyan para umunlad.  Sa muli niyong pagkikita may napakasarap na romansang magaganap! Mapalad ang 3, 6, 17, 24, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” Purple at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Gagantimplaan ang iyong mabuting kalooban. Kusang madadagdagan ang kita habang naghihirap ang buhay ng iba. Sa pag-ibig, lalong iinit ang pagmamahalan, habang yong ibang magkasuyo ay nagkakalabuan. Mapalad ang 9, 18, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Name-Aum.” Blue at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Panatilihin ang positibong pag-iisip.  Yayaman ka kung bago matulog hanggang sa makatulugan bigkasin ang ganitong kataga: “Yayaman ako….Ako’y yayaman! Sa pag-ibig, ituro sa kasuyo ang nasabing orasyon upang yumaman din siya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Om-Yasoda-Om.” Gray at gold ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Masosolusyunan ang problema kung lalapit sa kaibigang Capricorn. Sa pinansiyal isang Capricorn din ang mauutangan, pero sa pag-ibig,  higit na magpapakilig sa iyo ang isang Scorrpio.  Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Goh-Palah-Goh.” Green at violet ang buenas.
Leo– (July 23 – August 22)—Hindi dapat panghimasukan ang buhay ng iba. Ang sariling diskarte ang magpapayaman sa iyo, hindi ka dapat sumosyo sa iba. Sa pag-ibig, hayaan mo lang kung ano ang nangyayari dahil sa bandang huli ang lahat ay mauuwi rin sa ligaya. Mapalad ang 1, 8, 19, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohan-Aum-Karan.” Green at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Dahil malamig ang panahon ngayon, uso ang sakit. Maiiwasan ang karamdaman, bumili at kumain ng maraming prutas at sariwang gulay. Sa ganyang paraan, mas magiging malakas ang iyong pangangatawan. Mapalad ang 4, 19, 22, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Trata-Savitra-Om.”  Red at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Unti-unti nang pumapasok ang tag-ulan, kasabay nito patuloy na iinit ang pakikipag-relasyon sa isang Virgo. Sa pinansyal, habang maikli ang kumot matutong mamaluktot, na ibig sabihin lang hindi ka dapat na maging magastos. Mapalad ang 6, 9, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Purple at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Huwag maging mapaglaro sa pag-ibig upang hindi ka rin laruin ng kapalaran. Tandaang ang pagiging tapat ay nagbubunga ng kaligayahan, habang sa pananalapi, ang pagtitipid at pagsisinop ng kabuhayan ay nagbubunga ng pagyaman. Mapalad ang 7, 9, 13, 28, 36, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Avidya-Aroha.”  Gray at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—‘Wag masyadong mabahala sa future. Sabi nga ng mga Christians: “Si God ang bahala dyan.”  Sa pag-ibig, yakapin nang mahigpit ang kasuyo at mga mahal sa buhay, isiping ito ang huling araw upang ipadama ang iyong pag-ibig. Mapalad ang 6, 12, 21, 33, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Blue at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi laging sagana ang buhay, nauubos din ang suwerte. Subukang mag-ipon at magtipid. Sa pag-ibig, huwag tipirin ang minamahal, libre naman ang page-express ng lambing at mainit na pag-ibig. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Om-Raga-Om-Kastha.” Red at pink  ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Iwaglit na ang nakaraan, magbagong buhay ngayon! Bagong career at bagong ka-relasyon ang dapat. Kapag nabago na ang lahat, higit na mas magiging produktibo at maligaya ang buhay. Mapalad ang 4, 15, 24, 34, 43, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Green at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Bukas ika-22 ng Hunyo full moon na. Abangan ang sunod-sunod na suwerteng darating sa iyong buhay na may kaugnayan sa salapi at pakikipag-relasyon. . Mapalad ang 8, 17, 23, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong manrta: “Om-Dosya-Om.” Blue  at silver ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending