Angelo Palmones balik sa pagiging news anchor | Bandera

Angelo Palmones balik sa pagiging news anchor

- January 16, 2018 - 12:30 AM


PINALITAN na ng batikang broadcast journalist na si Angelo Palmones si Joe Taruc sa morning slot nito sa DZRH. Simula Lunes hanggang Biyernes, 7 a.m., mapapakinggan na si Palmones sa Pangunahing Balita kasama ang broadcast veteran na si Deo Macalma.

Hindi itinanggi ni Palmones na malaking challenge para sa kanya na palitan ang timeslot ni Taruc, “These are very big shoes to fill. Dr. Joe Taruc is an icon. It’s a very challenging opportunity to be on his seat!”

Isa sa maipagmamalaki ng DZRH ang award-winning broadcaster (KBP Broadcaster of the Year 2014 and Golden Dove Awards Best Newscaster for several times). Si Kuya Angel, kung tawagin ng mga kaibigan at kasamahan niya, ay isang topnotch newsman na bago narating ang kasalukuyang kinalalagyan ay nagdaan muna sa ibaba.

Naging DZMM station manager siya sa loob ng maraming taon bago siya nagretiro nang tumakbo bilang kongresista (Agham Party List). Pagkaraan nito, nagbalik siya sa news broadcasting, ang tunay niyang mahal, at ito ay sa DZRH.

Noong Enero 8, nagsimula na rin ang kanyang radio show na RH Balita (5 a.m., Monday-Friday) kasama si Henry Uri. Ang RH Balita ay isang news and public affairs program na napakikinggan din sa Radyo Natin FM nationwide.

Mapakikinggan dito ang mga special report sa mga maiinit na kaganapan sa araw na iyon; provincial round-up mula sa mga reporter na nakakalat sa buong bansa; at ang Mahiwagang Tunog with P1k/day na kailangang maibigay ng mga tagapakinig ang tamang sagot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending