Nawasak na relasyon ni Lloydie kina Shaina at Angelica muling pinagpiyestahan ng media | Bandera

Nawasak na relasyon ni Lloydie kina Shaina at Angelica muling pinagpiyestahan ng media

Cristy Fermin |January 16,2018
facebook
share this

Nawasak na relasyon ni Lloydie kina Shaina at Angelica muling pinagpiyestahan ng media

Cristy Fermin - January 16, 2018 - 12:01 AM

ANGELICA PANGANIBAN AT JOHN LLOYD CRUZ

SIGURADONG naghihimutok ngayon si John Lloyd Cruz dahil palaging nakakaladkad ang kanyang pangalan sa promo ng pinakahuling pelikula ni Angelica Panganiban.

Pati nga sa bagong seryeng gagawin ni Shaina Magdayao sa Dos ay panay-panay rin ang banggit sa kanyang pangalan, pero wala siyang mairereklamo, panahon ng promo ngayon ng mga proyekto ng kanyang dalawang ex.

Ganu’n naman talaga kapag humaharap sa press ang mga artista, maraming nauungkat tungkol sa kanilang buhay, lalo na sa personal na aspeto.

Artista si JLC, alam niya ang kalakaran, kaya wala siyang dapat ikainis sa mga nangyayari ngayon. Si Angelica ang pinakahuli niyang karelasyon bago pumasok sa eksena si Ellen Adarna, balitang-balita pang pinaaasa niya ang dalaga na sila na pero biglang umariba ang relasyon nila ni Ellen, kaya natural lang na busisiin ‘yun ng marami ngayon.

Kung ‘yun ba naman ay nagsasalita siya, kung ‘yun ba nama’y hindi niya isandaang porsiyentong tinalikuran ang showbiz, di sana’y naririnig din ng bayan ang mga paliwanag niya.

Iwas na iwas kasi siya ngayon sa pakikipagkonek sa mga taga-showbiz, social media lang ang paraan ng komunikasyon niya, kaya wala siyang pamimilian kundi ang tanggapin ang mga kuwentong nag-uugnay sa kanyang pangalan ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending