Angelica sa lovelife: May takot na 'ko! | Bandera

Angelica sa lovelife: May takot na ‘ko!

|January 16,2018
facebook
share this

Angelica sa lovelife: May takot na ‘ko!

- January 16, 2018 - 12:01 AM

ANGELICA PANGANIBAN

MAS maingat na ngayon si Angelica Panganiban sa pagpili ng susunod niyang karelasyon. Hindi rin niya type ang makipag-date sa kanyang mga ex-boyfriend.

Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda sinabi ni Angelica na sabay niyang gagamitin ngayon ang puso at utak sa kanyang lovelife. “May takot na kasi ako,” sey ng bida ng pelikulang “Ang Dalawang Mrs. Reyes” kasama si Judy Ann Santos.

Inamin ni Angge na nakikipag-date na siya uli at dalawa sa mga qualities na hinahanap niya ngayon sa lalaki ay ang loyal at marespeto.

“Iyong lalaking hindi ka babaguhin, iyong lalaking maa-appreciate ka lang, at iyong lalaking ikaw, ikaw at ikaw lang ang kayang tingnan, respetuhin, at mahalin,” aniya.

Tungkol naman sa latest movie niya with Juday na “Ang Dalawang Mrs. Reyes” under Star Cinema, directed by Jun Lana, isa na raw ito sa pinakamasaya at pinakanakakalokang pelikulang nagawa niya.

Showing na ito ngayong Miyerkules sa mga sinehan nationwide.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending