P.6M ecstasy, cocaine samsam; 2 dakip sa condo buy-bust
John Roson - Bandera January 12, 2018 - 02:51 PM
Arestado ang dalawang lalaki nang makuhaan ng mahigit P600,000 halaga ng ecstasy at cocaine sa buy-bust operation sa isang condominium sa Mandaluyong City, Huwebes ng gabi.
Naaresto ang umano’y supplier ng droga na si Herald Peñaflor, 26, at ang “retailer” na si Lester Almalbez, 35, sa loob ng Princeville Condominium, sabi ni Aaron Aquino, hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Isinagawa ng mga tauhan ng PDEA Special Enforcement Service ang buy-bust dakong alas-9.
Nasamsam sa operasyon ang 1.6 litro o P480,000 halaga ng liquid ecstasy na nakalagay sa 20 bote ng energy drink, 70 tableta ng ecstasy na nagkakahalagang P46,000, at anim na paketeng may P140,000 halaga ng cocaine.
Ayon kay Aquino, posibleng ihinahalo ng mga suspek ang cocaine sa liquid ecstasy para magkaroon ng kakaibang epekto.
“We cannot discount the possibility that a new variety of ecstasy which is blended with cocaine is doing the rounds in bars and clubs. You could imagine its potency compared to the other mainstream drugs,” aniya.
Dahil dito’y pinalakas pa ng PDEA intelligence gathering para mapigil ang ganitong operasyon ng mga drug trafficker, ani Aquino. (John Roson)
– end –
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending