INIHAYAG ni Pangulong Duterte na isa pang chairman ng isang ahensiya ang kanyang sisibakin sa harap ng alegasyon ng korupsyon.
“I am firing another chairman of an entity in government maybe this week and another set of mga policemen,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa isang pagtitipon na inorganisa ng Philippine Gaming Corporation (Pagcor) sa Manila Hotel.
Nauna nang sinibak ni Duterte ang ilang opisyal dahil sa junket, kabilang na sina dating Maritime Industry Authority (Marina) administrator Marcial Amaro III at dating Philippine Commission for the Urban Poor chief Terry Ridon.
Kasabay nito, muling nagpaalala si Duterte sa mga opisyal kaugnay ng kampanya kontra katiwalian.
“All I have to do is for you to cooperate and I said do not give in to extortionist. Be it the police, the BIR, Customs, kasi ‘pag malaman ko, I’ll make it hard for you,” dagdag ni Duterte.
Hindi naman binanggit ni Duterte kung sino ang opisyal na susunod na sisibakin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.