Zaijian Jaranilla muling paiiyakin ang madlang pipol sa MMK | Bandera

Zaijian Jaranilla muling paiiyakin ang madlang pipol sa MMK

Ervin Santiago - January 12, 2018 - 12:30 AM

ZAIJIAN JARANILLA

TIYAK na babaha na naman ng luha ngayong Sabado ng gabi dahil sa panibagong “hugot” episode sa longest drama anthology sa Asia, ang Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos.

Muling sasabak sa madadramang eksena si Zaijian Jaranilla na gaganap bilang si Freddie, isang binata na sa kabila ng matinding kahirapan ng buhay ay nagpursigi at hindi nagpatalo sa mga pagsubok matupad lang ang kanyang mga pangarap.

Bata pa lang si Freddie ay sinubok na siya ng matitinding pagsubok. Siya ang bunso sa 12 magkakapatid at nakita niya kung paano naghirap ang kanyang mga magulang para sila’y makakain sa araw-araw at makapag-aral. Ngunit hindi sapat ang kinikita ng amang si Domeng bilang karpintero at ng kanyang inang si Puring na isang labandera.

Sa kabila naman ng kapansanan ng dalawa niyang kapatid na sina Elo at Tino, nagagawa pa rin ng mga ito na magtrabaho bilang mga tricycle driver para makatulong sa kanilang pamilya.

Sa kanyang paglaki, pinangarap ni Freddie na maging guro para siya na ang magturo sa kanyang mga kapatid na hindi nag-aaral dahil sa kakulangan sa pera. At sa tulong ng mga madre sa Sisters of Boystown, nakapag-high school si Freddie. Hindi naging problema sa binatilyo ang pagbibiyahe patungong Marikina mula sa kanilang tahanan sa Famy, Laguna.

Tulad ng inaasahan, hindi naging madali para kay Freddie ang buhay estudyante, ngunit nakatapos siya ng highschool sa tulong na rin ng kanyang mga kapatid sa pangunguna ng kanyang Kuya Elo. Araw-araw ay nagtatabi sila ng limang piso mula sa kanilang baon para makaipon at maibigay kay Freddie.

At sa kabila nga ng patuloy na kahirapang dinaranas ng kanilang pamilya, desidido pa ring makapagtapos ng kolehiyo at maging guro si Freddie. Pero paano niya ito matutupad kung walang-wala na sila? Idagdag pa ang pagdating ng isa pang matinding dagok sa kanilang buhay – ang pagkamatay ng kanyang Kuya Elo na mula simula ay nakasuporta na sa kanyang mga pangarap?

Siguradong ikabibigla ninyo ang magiging ending ng kuwento ni Freddie na mapapanood n’yo ngayong Sabado sa MMK sa direksyon ni Nuel Naval at sa panulat ni Akeem Jordan del Rosario.
Makakasama ni Zaijian sa episode na ito sina Amy Austria, Enzo Pineda, Marco Masa, JC Santos, Brace Arquiza, Jimboy Martin, Mitch Naco, Kamille Filoteo, Cris Villonco at Maritess Joaquin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending