Boy milyones ang ginagastos sa pagpapagamot ng ina

By Julie Bonifacio January 12,2018
share this

Boy milyones ang ginagastos sa pagpapagamot ng ina

By Julie Bonifacio January 12,2018
share this

BOY ABUNDA

HAPPY ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda sa panimula ng taon. He celebrated Christmas and New Year with his dear Nanay Lesing Abunda and partner in life na si Bong Quintana. At kasunod din agad ang celebration para naman sa kaarawan ng ina.

There are plenty of reasons on why very thankful and happy si Kuya Boy sa nakaraang taon. But we guess, the biggest blessing for him ay makasama pa rin ng matagal at heathy si Nanay Lesing. Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga nakapalibot kay Kuya Boy na labas-pasokng ospital si Nanay Lesing nu’ng 2017.

Sa true lang, milyun-milyong piso ang binabayaran ni Kuya Boy sa tuwing mako-confine sa mamahalin at de kalibreng ospital ang kanyang ina. Siya lahat ang gumagastos at walang ibang tumutulong sa kanya.

Every time kasi na maoospital si Nanay Lesing, never niya itong ipinaalam sa publiko. Quiet lang si Kuya Boy gaya na rin nang pagtulong niya sa ibang tao. Pero okey lang ‘yun kay Kuya Boy. Katwiran niya, kaya siya nagpapakapagod sa trabaho ay para sa kanyang ina.

Ayaw na niyang mangyari pang muli na nagkasakit hanggang sa mamatay ang kanyang ama na kapos sila sa pera.

Hindi naman ito lingid sa marami dahil kabilang ang kwento ng buhay niya noon sa kanyang best-selling book, ang “It’s Like This.”

In fairness, nasa top three ang “It’s Like This” sa mga pinakamabentang libro na inilabas ng ABS-CBN Publishing, huh!

At ngayon pa lang, marami na ang naghihintay sa ikalawang issue ng “It’s Like This.” For sure, marami pang revelations tungkol sa buhay ni Kuya Boy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending