MJ Veloso nais tumestigo vs rekruter | Bandera

MJ Veloso nais tumestigo vs rekruter

- January 10, 2018 - 07:31 PM

Mary Jane Veloso

UMAPELA si Mary Jane Veloso kay Pangulong Duterte na payagan siyang tumestigo laban sa kanyang mga recruiter sa dinidinig na kaso kontra sa mga ito sa isang korte sa Nueva Ecija.

Sa isang recorded message, iginiit ni Veloso na ipinagpaliban ang pagbitay sa kanya matapos aminin ng kanyang mga recruiters na sina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao na inosente sila matapos magsumite ng kanilang counteraffidavit sa korte.

“Pangulong Duterte, buong puso po akong humihingi ng tulong sa inyo para payagan akong magtestigo sa kaso ni Cristina Sergio doon sa Pilipinas para maibunyag ang katotohanan at maparusahan ang taong talagang may kasalanan,” sabi niya.

Nakakulong si Veloso sa Indonesia matapos masintensiyahan ng bitay dahil sa pagpupuslit ng droga.

“Alam ko po na galit kayo sa droga at gustong mapuksa ang sindikato ng droga para sa kabutihan ng ating bansa at kaligtasan ng ating mga kabataan. Pero paano po ninyo masusugpo ang lahat ng may kaugnayan sa droga kung ganito?” dagdag ni Veloso.

Nong Disyembre, pinagbawalan ng Court of Appeals (CA) ang judge na humahawak sa kaso ni Veloso na makuhanan siya ng testimonya.

“Pangulong Duterte, nasa kamay po ninyo ang kaligtasan ng aking buhay. Hindi po ako nawawalan ng pag-asa na makakamtan ko ang katarungan kasi kasama ko po ang Diyos sa labang ito,” dagdag ni Veloso. “At hanggang kailanman hindi ko aakuin ang kasalanang hindi ko ginawa.”—Inquirer.net

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending