Tetay jackpot sa negosyo; kasosyo pa rin ni Luis sa taxi business pero... | Bandera

Tetay jackpot sa negosyo; kasosyo pa rin ni Luis sa taxi business pero…

Reggee Bonoan - January 11, 2018 - 12:10 AM


INTERESADO kami sa bagong health card na ieendorso ni Kris Aquino na hindi pa puwedeng sabihin ang brand. Sigurado kasing malaki ang maitutulong nito sa mga ordinaryong mamayan.

Kuwento ni Kris sa amin tungkol dito, “It’s a prepaid card na babayaran mo for P2,000 for the entire year at ang coverage ay P150,000 in any emergency room at any hospital. Di ba kasi ang nangyayari is that there’s a law in an emergency room, you cannot be turned away but what they’ll do is stabilize you and send to any government hospital. But now with this (health card) you will have P150,000 na coverage.

“When they were explaining this to me, sabi ko, ang daming employees, siyempre may Philhealth pero ang laking tulong nito kasi like mga driver ko, nagmo-motor, di ba? Any unforeseen accidents, so right away may coverage na P150,000. So hindi ka mamamatay kasi may ipapakita kang card and it’s only P2,000 a year.

“Di ba hindi mo naman masasabi like naaksidente ka, nabalian ka, talagang ‘yun ‘yung malaking gastos.

So, kung mayroon ka nito, at least panatag ka kung saan ka kukuha ng panggastos,” sabi ng Queen of Social Media.

Magandang balita ito sa masang Pinoy na tulad natin bossing Ervin.

Samantala, aminado si Kris na malaki ang epekto sa negosyo nila ang bagong Train Law na nilagdaan ni Presidente Rodrigo Duterte noong nakaraang taon.

Mahal daw kasi ang gasolina at diesel na ginagamit ng KCA company para sa Potato Corner and Nacho Bimby food business nila dahil araw-araw itong idini-deliver sa 10 branches sa Metro Manila.

Kaya sa tanong namin kung planong pasukin din ni Kris ang negosyong may kinalaman sa transportasyon, “Mahal ang gasoline!” saad sa amin.

Natanong ang tungkol sa sinosyo niyang taxi business sa LBR transport company na pag-aari ni Luis Manzano.

Nagulat kami sa sagot ni Kris na, “Hindi na nila ako tinatawag na Angel Investor, hindi na Angel (Locsin) kay Luis. Ha-hahaha!”

Ano ba ‘yung sinasabing Angel investor? “E, di ba kay Luis ‘yun? Nu’ng nag-aano (nag-uusap) kami, kaya hindi na nga ako Angel Investor ngayon, venture capitalist na lang. Yehey!” tumatawang sabi ni Kris sa amin.

Oo nga naman, hiwalay na kasi sina Luis at Angel kaya nawala na ang terminong Angel Investor.

Magkasosyo pa rin daw ang Queen of Online World and Social Media at ang Best Male TV host ng ABS-CBN sa LBR Transport.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mayroon lang akong inano sa kanila (investment money), at mag-fully paid sila by March 2020. Sila ang nag-expand, 220 (units) na yata, ‘yung may pink taxi, ‘yun. So, I’m not an Angel investor now, I’m a venture capitalist, oh!” pahayag ni Kris.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending