Sunog sa mall sa Cebu City tuluyan nang naapula matapos ang mahigit 2 araw
TULUYAN nang naapula ang sunog sa Metro department store sa Ayala Center Cebu, makalipas ang mahigit dalawang araw matapos itong sumiklab noong Biyernes ng gabi.
Sinabi ni Senior Supt. Samuel Tadeo, Director ng Bureau of Fire Protection sa Central Visayas (BFP-7) na idineklara na naapula na ang apoy ganap na alas-4:18 ng hapon kahapon.
“It took time for us to declare a fire out because we wanted to make sure that even the smallest embers inside the building had been put out,” sabi ni Tadeo.
Nangako naman siyang mananatili ang dalawang trak ng bumbero sa Metro Ayala sakaling muling umapoy ang mall.
Idinagdag ni Tadeo pumasok na sa loob ng nasunog na mall ang isang grupo ng BFP para magsagawa ng inspeksyon.
Nagsimula ang sunog sa stockroom sa toys section sa ikatlong palapag ng Metro Ayala ganap na alas-9:48 ng gabi noong Biyernes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.