Jason Abalos sa photo scandal: Tao lang tayo na nagkakamali! | Bandera

Jason Abalos sa photo scandal: Tao lang tayo na nagkakamali!

Jun Nardo |January 07,2018
facebook
share this

Jason Abalos sa photo scandal: Tao lang tayo na nagkakamali!

Jun Nardo - January 07, 2018 - 12:30 AM

JASON ABALOS

IPINAGDASAL at iniyakan ni Jason Abalos ang paglipat niya sa GMA Network nu’ng nakaraang taon.

Hindi naman nabalewala ang kanyang desisyon dahil matapos ang ilang guestings eh, nabigyan siya ng regular series na The One That Got Away.

“Panibagong pinto ang nabuksan,” rason ni Jason sa grand presscon ng romantic-comedy series ng GMA 7.

Kilala naman daw kasi ng aktor ang kasama niya sa programa kaya naman nu’ng magsimula na siyang sumabak sa taping eh, wala siyang naramdamang pagkailang.

“Kaya nga nakapag-blend agad ako sa kanila. Ang babait nila. Hindi ka nila hahayaang maging outcast,” katwiran pa ni Jason.

Bago lumipat ng network, matagal nagdasal si Jason bago magdesisyon. “After 12 years sa ABS, why not grab the opportunity nang ipatawag ako. Panibagong pinto, panibagong buhay ko ito sa showbiz. Gusto ko po talagang tumagal,” dahilan niya.

Tumaas ba ang talent niya nu’ng lumipat sa GMA? “Ha! Ha! Ha! Gusto ko lang pong magtrabaho,” bulalas niya.

Umiyak ba siya nu’ng umalis sa dating network? “Oo naman. Lalo pa nu’ng magpaalam ako sa Star Magic. Umiyak talaga ako,” sey ni Jason.

Nu’ng nakaraang taon, sumabog ang sex video ni Jason. Iniyakan din ba niya ang pagkalat nito sa social media?

“Hindi. Tao lang tayo na nagkakamali. Walang taong perpekto. Nandiyan na ‘yan eh. Hindi ko naman ginawa ‘yon para sa lahat ng tao,” deklara ni Jason.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

For a change, magpapatawa at mapapakilig naman si Jason sa TOTGA na bagong challenge sa kanya dahil mas nakilala siya bilang dramatic actor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending