Kris hindi na umaasang kukunin ng 2 tv networrk: Baka pag-initan pa sila, ok na ako!
TILA wala nang planong bumalik si Kris Aquino sa telebisyon dahil ini-enjoy niya ang itinayo niyang bagong negosyo bilang social media influencer.
Aware naman ang lahat base sa mga post ni Kris na dumarami na ang gustong makipag-partnership sa kanyang webisodes.
Partnership ang tawag kapag through social media napapanood ang mga produktong ineendorso niya, ito ang sabi ng staff niyang si Jack Salvador. Diretsong tanong kay Kris kung may plano pa siyang bumalik sa TV.
“You know what, I’m realistic kasi it’s a risk for any network to take me in kasi naman baka pag-initan pa sila so okay na! I had this discussion with my sisters nu’ng tinatanong nila ako, ‘have you really adjusted (not on TV)?’ Sabi ko, ‘you know the only thing that made me feel that life is so okay is because we now have 22 endorsements and more.
“Kaya naniniwala talaga ako na, ‘when a door is closed, something else opens talaga and totoo naman. Sabi ko, I would have really felt so awful kung ‘yun ‘yung nawala kasi ‘yun ‘yung ipinundar ko, based on your credibility, believability and likeability mo di ba kaya ka nga kinukuha, eh.
“So kilig na kilig ako kasi may tatlong big product endorsements na hindi nag-renew before ngayon they’re back and they’re paying more. Ha-hahaha!” kuwento ng Queen of Online World and Social Media.
Dahil lumalago na nga ang negosyo ng KCA company ay nagpapahanap na ng lupang puwedeng rentahan ni Kris at magpatayo ng building para gawing opisina na malapit din sa bahay niya sa Green Meadows, Quezon City.
“Sina Alvin (Gagui) ang naghahanap, may tsinek na 240 square meters. Ang requirement ko, ayokong lumagpas sa Padre Pio (church, sa Libis) at Temple hill at nagne-negotiate pa. So, the fact na we can afford to move somewhere na ganu’n kalaki ang area, it means lumalaki talaga,” sabi pa ni Kris.
May nauna ng opisina ang KCA sa may Scout Rallos, QC, pero hindi ito bibitawan nina Kris dahil magsisilbi itong editing house.
Samantala, may sitsit na babalik daw ng ABS-CBN si Kris dahil lagi raw silang nagkakausap ng Chief Operating Officer ng Kapamilya network na si Cory Vidanes.
“Wala naman,” kaswal na sagot ni Kris, pero hiniritan namin ng tanong kung sakaling alukin siya ay tatanggapin ba niya? “I don’t think there will be, kasi nagko-communicate naman kami ni tita Cory, so kung mayroon, e, di ang dali naman, di ba?
“As it is right now, I don’t believe in closing any doors, pero I also believe na ngayong naumpisahan ko ito (online business), bakit hindi ko pa pababayaan, akin na ito, eh. So aalagaan ko talaga ito,” katwiran ni KCA
As of this writing ay may 10 branches na ang Potato Corner/Nacho Bimby nina Kris pero lahat ng kinikita nito ay nasa trust fund ng dalawang anak niyang sina Joshua at Bimby kaya masaya si Kris dahil sa bagong tayong tatlong branches ay hindi na sila naglabas ng capital kundi nanggaling na sa existing seven branches.
Nalaman din namin na ang mga empleyado ng Nacho Bimby ay regular na kaagad at hindi na dadaan sa 6 month-probation at automatic na agad na may benefits.
“Wala ng endo (end of contract) only because nakaya namin na full benefits. Wala ng probationary, tinanggal na, it’s a new law. Tinanong ko ‘yun na once you’re hired, you’re hired na. Kailangan mo nang bayaran ang Philhealth, SSS,” sabi ni Kris sabay hirit, “O, di ba, ang Pag-Ibig binabayaran na,” kaya nagkatawanan ang lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.