Retokadang aktres ang kapal ng mukhang manlait, kilalang female singer pinagtripan | Bandera

Retokadang aktres ang kapal ng mukhang manlait, kilalang female singer pinagtripan

Cristy Fermin - January 06, 2018 - 12:15 AM


SA isang malaking umpukan ng mga stylists, make-up artist at hair dresser ay pinagpistahan ang isang sexy at magandang aktres na nahawakan na nilang lahat sa iba-ibang okasyon.

Iisa ang komento ng mga becki, maldita ang sexy actress, walang kasingmaldita. At pakiramdam ng mga becki ay kailangang makipagkita ng seksi at magandang aktres na ito sa paborito niyang doktor.

“Ate, sumpungin ang hitad! Napakamaldita! Sa isang moment, e, okey naman siya, pero maya-maya lang, iba na ang temperatura niya! Napakasuplada!

“Ang dami-dami niyang hanash kapag inaayusan siya. Kesyo masakit daw ang anit niya, nahihila raw ang buhok niya habang bino-blower, di maghanap siya ng imaginary blower na hindi sasayad sa buhok niya para hindi siya nasasaktan!

“Sumpungin ang lowkang ‘yun! Kapag may kausap siya sa phone, maririnig mo na lang siyang nagsisisigaw! Utol yata niya ang kausap niya, ‘Pera na naman? Ano ba ang akala mo sa akin, may factory ng salapi? Puro na lang kayo pera-pera-pera d’yan!’

“Ganu’n siya katindi, hindi siya nahihiyang marinig ng mga nasa paligid ang mga ikinukuda niya!” simulang kuwento ng isang becki sa umpukan.

Sa harap daw ng mga camera ay parang walang kamuwang-muwang sa mundo ang sexy actress, parang napaka-naïve niya, napakasimple lang niya habang pangiti-ngiti.

“Plastikada! Kunwari, e, bait-baitan siya, pero saan ka, kapag wala nang mga camera, e, back to reality na naman siya. Maldita, mura nang mura, parang palengkera, sayang ang ganda niya sa ganu’ng klase ng attitude na meron siya.

“Nu’ng minsang may kakuwentuhan siya sa phone, e, napagtripan nilang pintas-pintasan at paglaruan ng kausap niya ang isang sikat na singer-actress. Nakakaawa ‘yung tao sa mga pintas niya!

“Naku, kundi pa puro salamat po, doktor lang naman ang mukha at katawan niya, di lalo na siya? No wonder, kahit ang sister niya, e, hindi siya makasundo!

“Away sila nang away, lumalaban ang hitad sa kapatid niya! Nakakaloka siya, bakit kaya hindi pa siya makipagkita sa favorite doctor niya? Maldita!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, ibitin n’yo nga nang patiwarik ang malditang sexy actress na ‘yan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending