Walo katao, kabilang ang tatlong bata, ang nasawi at lima pa ang nasugatan nang sumabog ang isang bala ng mortar sa bunkhouse ng lumberyard sa Sirawai, Zamboanga del Norte, Miyerkules ng hapon, ayon sa pulisya Huwebes.
Dead on the spot si Marcelo Antogan, 21, ang umano’y nakapulot sa pampasabog, pati sina Roel Balamban, 18; Robert Timbulaan, 9; Loed Timbulaan, 8; Ben Timbulaan, 6; at Lade Balamban, 18, sabi ni Chief Insp. Helen Galvez, tagapagsalita ng Zamboanga Peninsula regional police.
Walo katao ang dinala sa ospital, pero idineklarang dead on arrival sina Jeofer Timbulaan, 18; at Junrey Sango, 18, aniya.
Naka-confine pa sina Lito Timbulaan, 37; Joey Sundongon, 18; Edick Malanao, 18; Arnel Quemas, 15; at Junrey Quemas, 13, dahil sa matinding pinsala.
Naganap ang pagsabog dakong alas-5 sa loob ng lumber concession ng Sirawai Plywood Lumber Corp., ng DACON Group of Companies.
Lumabas sa imbestigasyon na nakatagpo si Antogan ng unexploded ordnance sa bukid at sinubukan itong buksan.
“Surrounded by relatives and neighbors, he tried to pry it open using a hammer when it suddenly exploded,” ani Galvez, gamit bilang basehan ang ulat na nakarating sa kanyang tanggapan.
Inulat ni Melecio Arcenal, chief security officer ng Sirawai Plywood Lumber Corp., ang insidente sa lokal na pulisya dakong alas-10:30 ng gabi, ayon sa ulat ng regional police.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending