Nadine sa mga bashers: 2018 na! Iwan ang mga nega at fake sa 2017!
MAIKSI ngunit punumpuno ng hugot ang naging New Year message ni Nadine Lustre para sa kanyang mga bashers na hindi pa rin tumitigil sa pambabastos at panlalait sa kanya.
Naging kontrobersyal at maingay ang 2017 ng Kapamilya actress ngunit sa kabila nito, positibo pa rin ang pananaw ng dalaga sa buhay, lalo na ngayong 2018.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Nadine ng isang New Year photo na may caption na: “C’mon, guys. It’s 2018.”
Very obvious namang para sa kanyang mga haters ang mensaheng ito na patuloy na nangnenega sa kanya at sa relasyon nila ng kanyang boyfriend na si James Reid.
Sa isa pang photo na ipinost niya sa IG noong New Year’s eve, sinabi ni Nadine na iniiwan na niya ang lahat ng kanegahan noong 2017. Aniya, “Leaving all the nega, fake, malarkey in 2017. If you’re one of them, bye FELICIA.”
Samantala, muling nagpasabog ng good vibes at kilig sina Nadine at James sa social media matapos kumalat ang kanilang “kissing video” na kuha habang nagse-celebrate sila ng Bagong Taon.
Magiging busy muli ang JaDine loveteam this year as they are set to topbill a new movie under Viva Films, ang “Never Not Love You” directed by Antoinette Jadaone. Bukod pa riyan ang kanilang next major concert at bagong teleserye sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.